Temporary total ban sa importasyon ng karneng baboy, ni-reject ng Agriculture Department

Ni-reject ng opisyal ng Department of Agriculture ang mungkahing magpatupad ng temporary total ban sa importasyon ng mga meat products kahit sa mga bansang hindi pa apektado ng African Swine Fever (ASF).

 

Ayon kay DA Undersecretary Segfredo Serrano, labag ito sa agreement on the application of Sanitary and Phytosanitary Measures o SPS agreement ng World Trade Organization.

 

Aniya, maaari lang ipatupad ang ban sa mga bansang mayroon nang kaso ng ASF.


 

Kung ipapatupad kasi aniya ito sa mga livestocks at meat producing countries na malinis naman ang record gaya ng Amerika at Canada, magkakaproblema ang bansa dahil wala itong maibibigay na legal na rason para ipatupad ang total ban.

 

Sa kasalukuyan, nag-isyu na ng importation ban ang pilipinas sa 15 mga bansa na apektado ng ASF kabilang ang Russia, Ukraine, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia, Hungary, Bulgaria, Belguim, Latvia, Poland, Romania, China, Mongolia At Vietnam.

Facebook Comments