Magpapatupad ng pansamantalang traffic rerouting at truck ban ang lokal na pamahalaan sa piling kalsada sa Poblacion area mamaya mula 7 a.m. hanggang alas dose ng madaling araw.
Bahagi ito ng paghahanda para sa PaskONE opening at ceremonial lighting, kung saan ilang bahagi ng mga kalsada ang pansamantalang isasara.
Ipatutupad rin ang mahigpit na truck ban upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kaginhawahan ng mga dadalo sa aktibidad.
Inabisuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko at inaasahang pagkaantala sa biyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









