Ten-time NBA All-Star Player na si Paul Pierce, nominado sa 2021 Naismith Memorial Basketball Hall of Fame

Nominado ang ten-time NBA All-star na si Paul Pierce sa 2021 Naismith Memorial Basketball Hall of Fame Class.

Ayon sa ulat, gumugol ng labinlimang taon sa koponang Boston Celtics si Pierce kung saan nakapagtala ito ng kabuuang 26,397 na puntos.

Malaki rin ang naging ambag ni Pierce sa Boston Celtics kung saan nasungkit ng koponan ang NBA Championship title noong taong 2008 at hinirang ito bilang NBA Finals Most Valuable Player.


Maliban kay Pierce, kabilang din sa mga nominado sina NBA Defensive Standout Michael Cooper, Women NBA MVP Lauren Jackson maging ang college coaches na sina Lou Henson at Leonard Hamilton.

Facebook Comments