Ten wheeler track bumaligtad isa patay isa kritikal sa Matalam North Cotabato

Hindi inakala ng isang pahinante na sasapitin nito ang maagang kamatayan ng
tumilapon kasama ang isa pa mula sa sinasakyang track na nawalan ng preno
at bumaligtad sa isang creek sa sitio Lungan barangay Tagumao sa bayan ng
Matalam sa lalawigan ng Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ang namatay na si Ryan Cerbo 30 anyos, binata residente ng
Purok Mahigugmaon Barangay Linao sa bayan ng Matalam habang kritikal naman
ang kasama nitong si Jonnie Yap, 29 , may asawa, isang laborer.
Sa ulat ay binabaybay ng ten wheeler track na minamaneho ni Rodrigo
Lagumbay Jr., 40 anyos ang daan ng sitio Lungan Barangay Tagumao ng
mawalan ng preno at kotrol ang manibela ng sasakyan hanggang sa ito ay
bumaligtad sa isang creek sa nasabing lugar. Sa lakas ng impact ng
pagbaligtad ay tumilapon ang dalawang sakay na pahinante kung saan agad
nasawi si Cerbo habang kritikal naman ang kasama nitong si Yap ng tumama
ang ulo nito sa semento.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments