Tennis player Alex Eala, nakabawi sa Wimbledon tournament matapos ang back-to-back win sa Italy

Nakabawi ang pambato ng Pilipinas sa tennis na si Alex Eala matapos ang back-to-back win sa singles and doubles play sa Wimbledon tournament sa Milan, Italy.

Natalo ng Pinay tennis player ang kinatawan ng Czech Republic na si Brenda Fruhvirtova sa kanilang first round clash na may score na 6-1, 6-2 sa singles.

Kasama naman ang pambato ng United States na si Madison Sieg, dinurog nila ang tandem ng Romania at Portugal sa score na 6-2, 6-1 sa doubles.


Ang susunod na makakatapat ni Eala ay ang Russian duo na sina Anastasiia Gureva at Ekaterina Maklakova.

Facebook Comments