Tensiyon sa Ukraine at Russia, daanin na lamang sa diplomasya at itigil na ang giyera ayon Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dapat ng matigil ang giyera sa nagbabangayang bansa na Ukraine at Russia at sa halip, daanin na lang sa diplomasya ang patuloy na tensiyon.

Sa pagharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Media Delegation sa Bangkok Thailand, sinabi nitong nabanggit din sa APEC Summit kung ano na ang lawak ng epektong idinulot ng nagpapatuloy na labanan sa Europa.

Ramdam na aniya ang epekto nito sa global economy habang hagip din ang epekto sa food supply.


Sa harap nito, patuloy aniyang nananatili ang foreign policy na enemy to none sa gitna ng Ukraine at Russia conflict.

Konsiderasyon aniya rito ang national interest kaya’t mananatili ang enemy to none, friend to all policy ng bansa.

Facebook Comments