Tensyon namuo sa Hospital, Nurse at Doctor tinakot ng Sundalo?

Hindi ikinatuwa ng pamunuan ng Maguindanao Provincial Hospital sa bayan ng
Datu Hoffer Ampatuan ang masamang karanasan na sinapit ng kanyang mga
medical staff mula sa isang di umanoy lasing na sundalo na nanduro,
nagbanta at nagbigay ng takot di lamang sa mga nurses , doctor kundi
pati sa mga pasyente at watchers na nasa emergency ward noong gabi ng
sabado.

Nakakalungkot aniyang isipin na magmumula pa sa isang militar na kanilang
kasama sa lahat ng kanilang kampanya at adbokasiya sa probinsya
mararanasan ang tila pagyurak sa kanilang inaalagaang institution giit pa
ni Dr. Tahir Sulaik, IPHO Maguindanao Health Officer at MPH Chief of
Hospital.

Sinasabing nakaranas ng hindi maganda ang isa nitong nurse at doctor mula
sa isang PFC ng 40th IB noong sabado ng gabi. Bukod kasi sa dinuro, tinakot
ng sundalo ang kanyang mga kasamahan, binastos pa ng di umanoy lasing
sundalo ang kanyang hospital.


Nag- ugat ang pangyayari matapos na isugod ng mga sundalo ang 2 month old
na batang babae na inatake ng Pneumonia noong sabado ng gabi.

Samantala mariing namang pinabulaanan ni Tonena Mandao, ina ng batang si
Makaira ang naging alegasyon ng mga medical Staff ng Maguindanao Hospital.
Iginiit rin nitong walang naging aksyon ang ospital kung kayat nagawang mag
react ng sundalo. Nagpapasalamat na lamang si Tonena at nasa maayos ng
sitwasyon ang kanyang anak na agad na inilipat mula Provincial Hospital
tungo sa isang pribadong pagamutan sa Tacurong.

Agad namang dumipensa ang Provincial Hospital at sinabing agad silang
nagbigay ng tulong sa batang inatake.

Kaugnay nito agad namang nangako ang pamunuan ng 6th ID sa pamamagitan ni
DPAO Chief at Spokesperson Cpt. Arvin Encinas na paiimbestigahan ang
nasabing insidente.

Facebook Comments