Kinumpirma ni San Juan Chief of Police Col. Elpidio Ramirez ang nagaganap na tensyon sa isang bahay sa San Juan City.
Sa panayam ng RMN DZXL Manila, nilinaw ni Col. Ramirez na walang nagaganap na hostage drama sa 209 Paterno St., San Juan City, kundi hindi lamang pagkakaunawaan ng pamilya Valdez.
Tiniyak naman ni Col. Ramirez na nakabantay sa lugar ang kanilang mga tauhan kasama ang mga opisyal ng barangay para matiyak ang seguridad ng mga nasa loob ng bahay.
Facebook Comments