Tensyon sa loob ng Bilibid, nananatili pa rin matapos ang nangyaring riot – DOJ

Nananatiling tensyonado ang sitwasyon sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP), ilang araw matapos mangyari ang riot sa pagitan ng dalawang grupo.

Nabatid na siyam na persons deprived of liberty (PDLs) ang namatay at pito ang sugatan matapos magkagirian ang Sputnik at Commando Gangs sa isang quadrant ng maximum security compound noong October 9.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, may natatanggap silang intelligence reports na may isang group ang nais maghiganti sa kalabang grupo.


Nakokontrol pa naman ng prison authorities katuwang ang pulisya ang karahasan sa lugar.

Sa ngayon, hinihintay ni Guevarra ang update mula sa Bureau of Corrections (BuCor) na inatasan niyang imbestigahan ang pangyayari.

Una nang sinabi ng BuCor na papanagutin ang sinumang nasa likod ng riot.

Facebook Comments