TENSYON SA PAGDINIG | Faeldon at Senator Gordon, nagkasagutan sa pagdinig ng Senado ukol sa tara system sa BOC

Manila, Philippines – Sa pagsisimula pa lang ng pagdinig ukol sa tara system sa Bureau of Customs ay agad na nagkaroon ng mainit na sagutan sina dating Customs Commissioner ni Canor Faeldon at Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon.

Nag-umpisa ito ng isa isahin ni Senator Gordon ang mga pabor na ibinigay kay Faeldon habang nakakulong sa Senado.

Ayon kay Gordon, nasa 400,000 pesos na ang nagagastos ng Senado sa pagkaditine kay Faeldon, may ambulance na nakastandby para sa kanya, naka-aircon ang kwarto at nagkapagsagawa pa ng party para sa kanyang ama.


Agad itong pinalagan ni Faeldon, at sinabing hindi totoo na siya ay nagparty pa sa Senado at ang kanyang ama ay matagal na ring patay.

Nagalit pa si Faeldon dahil pinapalabas aniya ni Gordon na ayaw niyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado.

Diin ni Faeldon, handa siyang makipagtulungan sa Senate Hearing para alamin ang katotohanan sa likod ng umano’y anumalya o tara system sa BOC.

Pero mukhang hindi aniya katotohanan ang pakay ni Gordon sa imbestigasyon na walang ginawa kundi mag-monologue at manghusga sa kanya.

Facebook Comments