Tensyon sa pagitan ng Amerika at Russia – muling sumiklab

36

World – Muling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Russia.
Ito’y makaraang magbanta ang Russia na ituturing nilang target at pababagsakin ang mga US Aircraft sa Syria bilang tugon sa pagpapabagsak ng Amerika sa isa sa mga fighter jet ng Syrian Air Force.

Ibinabala rin ng Russia na kanilang puputilin ang hotline na tanging nag-uugnay sa kanila sa Amerika.

Magugunitang binomba ng Syrian su-22 fighter jet ang balwarte ng ISIS sa Raqqa province na sinusuportahan umano ng Amerika.

Facebook Comments