Tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Lebanon, lalong lumalala

World – Inakusahan ngayon ng lider ng Hezbollah Shia Movement ng Lebanon ang Saudi Arabia na nagdeklara umano ito ng giyera sa kanilang bansa.

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Lebanon mula nang magbitiw sa pwesto si Saudi-Backed Prime Minister Saad Hariri dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Inakusahan din ng Saudi Arabia ang Iranian-Backed Lebanese Militant Group na Hezbollah na nagpakawala ng missile mula sa Yemen matapos ang pagbibitiw ng Prime Minister.


Maraming mga Lebanese ngayon ang natatakot na madawit ang kanilang bansa sa mas malaking problema sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran na siyang itinuturing na biggest rival nito.

Facebook Comments