Mahigpit na mino-monitor ng gobyerno ng Pilipinas ang mga kaganapan sa Taiwan kasunod ng sorpresang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi roon.
Sa harap ito ng babala ng White House hinggil sa plano ng China na military provocations sa Taiwan Straits bilang pagtutol sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Maria Teresita Daza na mahalaga na matiyak ng US at China na nagpapatuloy ang komunikasyon sa pagitan nito upang maiwasan ang anumang “miscalculation” na maaaring magdulot ng pang pagtindi ng tensyon.
Tiwala naman ang DFA na magiging responsable ang Tsina at US sa rehiyon.
Wala namang tugon ang DFA kung totoo ang mga ulat na lalapag sa Clark International Airport ang eroplanong sinasakyan ni Pelosi bago ito tumungo sa Taiwan.