Tensyon sa riot sa Hong Kong, tumitindi

Tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Hong Kong riot police at mga nagpoprotesta matapos ang kaguluhan hinggil sa extradition bill kung saan ipapadala sa mainland China ang akusado para doon litisin.

Aabot na sa 72 katao ang na-ospital dahil sa karahasan.

Namaril ang mga pulis ng rubber bullets, tear gas at pepper spray para paalisin ang mga demonstrador na tutol sa panukala.


Nagdulot na rin ng pangamba ang extradition bill sa international community dahil unti-unting panghihimasok ito ng China at banta sa rule of law.

Matatandaang ibinalik ng Britanya sa Tsina ang Hong Kong noong 1997 na may garantiyang itataguyod ang awtonomiya at kalayaan, kabilang ang hiwalay na legal system at freedom of speech.

Facebook Comments