Tensyon sa WPS, pinangangambahang makaapekto sa paghikayat ng Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan

Nangangamba si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino “Nonoy” Libanan na makaaapekto sa paghikayat ng Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan ang mga international reports ukol sa nagpapatuloy at lumalalang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Diin ni Libanan, napakahalaga ng dagdag na foreign direct investments dahil magbibigay ito ng mga bagong mga trabaho para sa mga Pilipino.

Sabi ni Libanan, ito ang dahilan kaya bumibisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa upang himukin ang mga malalaking korporasyon na magtayo ng factory sa Pilipinas.


Bunsod nito ay iginiit ni Libanan na kailangang magtulungan ang China at Pilipinas para mapahupa ang tensyon sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.

Facebook Comments