
Nananatili ang tensyon sa pagitan ng mga residente ng Brgy. 227 at demolition team sa Tondo, Maynila.
Nabatid na ikinasa ang demolition sa mga bahay sa bahagi ng Abad Santos Avenue malapit sa Antipolo Street kung saan naglabas na ng court order (CO) para paalisin ang mga residente at mabawi ng pribadong kompaniya ang lupa.
Pero, nagmatigas ang mga residente dahil walang maipakitang dokumento ang sheroff kung saan hinarangan nila ng mga yero ang harapan ng mga bahay
Tinangkang pasukin ng demolition team kasama ang mga pulis ang lugar subalit sinalubong sila ng mga nagliliparang bote, bato, kahoy, at iba pa.
Dalawang beses sinubukan ng demolition team ang lugar pero hindi tila umubra sa mga residente.
Maging ang hepe ng Manili Police District (MPD) Station-7 at tatlong konsehal ay namagitan na rin ang nakiusap na huwag munang ituloy ang demolisyon.









