Tensyon, sumiklab sa QC Hall of Justice habang isinasagawa ang preliminary investigation sa kasong grave threat laban kay dating Pangulong Duterte

Sumiklab ang tensyon sa harap ng Quezon City Hall of Justice matapos muntikang magpang-abot ang pro-Duterte group at ang mga militanteng grupo.

Kasabay ng preliminary investigation sa kasong grave threat, na isinampa ni ACT Party-list Representative France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay naman ito sa pagbabanta ni Duterte na lumabas sa national television.


Eksaktong pagbaba ni Castro sa van ay sinugod siya ng mga pro-Duterte at isinisigaw ang ‘NPA, mamamatay tao.’

Halos muntik nang magsalpukan dahil nasa hindi kalayuan ang grupo ng Alliance of Concerned Teachers.

Agad namang umawat ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga nagkakainitang grupo.

Facebook Comments