Tent at tarpaulin ng mga kandidato, mas dumami pa sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque

Mas dumami pa ngayong araw ang tent at tarpaulins ng mga kandidato sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Kung kahapon ay nasa entrance lamang ng sementeryo ang mga tolda at tarpaulin ng mga kandidato, ngayong araw ay pinayagan na ng pamunuan ng Manila Memorial Park na maglagay ng tents sa loob ang mga pulitiko.

Ilang mga kandidato rin ang namimigay ng pagkain at bottled water sa gate ng sementeryo.


Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pang abiso ang pamilya Aquino kung kailan sila dadalaw sa puntod ng dating Pangulong Cory Aquino, dating Senador Ninoy Aquino, at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nagpadala naman ng bulaklak sa puntod ng mga Aquino ang Manila local government unit at si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ngayon, patuloy ang pagdating ng mga bisita sa Manila Memorial Park at ang ilan sa kanila ay bitbit ang kanilang mga alagang aso.

Nilinaw naman ng pamunuan ng sementeryo na hindi bawal ang pagdadala ng aso sa loob basta’t naka-diaper ito at may tali.

Facebook Comments