Tent City sa Bogo City, Cebu, naitayo na para sa mga biktima ng lindol

Naitayo na ang “Tent City” sa Bogo City, Cebu na magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga pamilyang nawalan ng bahay matapos ang 6.9-magnitude na lindol.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatayo ng ligtas at maayos na masisilungan para sa mga inilikas na residente, katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) at iba pang organisasyon.

Ang mga malalaking tolda na dating ginamit noong pandemya ang muling itinayo para magsilbing tirahan, kasabay ng pagtitiyak na may sapat na pagkain, malinis na tubig, kuryente, at iba pang pangunahing serbisyo sa loob ng tent facilities.

Tiniyak din ni Pangulong Marcos na patuloy ang tulong at suporta ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga naapektuhan hanggang sa kanilang ganap na pagbangon mula sa trahedya.

Facebook Comments