Nagpatupad ang Department of Education (DepEd) ng adjustments sa school calendar matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong petsa sa pagbubukas ng klase mula sa dating August 24, 2020.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, batay sa tentative school calendar, sa October 5, 2020 ang simula ng klase habang magtatapos ito sa June 16, 2021.
Ibig sabihin, may pasok sa “summer months.”
Ang Christmas Break ay mula December 20, 2020 hanggang January 3, 2021.
Mayroon aniya itong 200 school days kung saan nakamandato sa ilalim ng kasalukuyang batas.
Ipinaliwanag din ni San Antonio na nakatuon sila sa recalibration ng quality assurance protocols para maiwasan ang pagkakamali sa learning materials na gagamitin.
Isinusulong din nila ang availability ng Self-Learning Modules (SLMs).
Pagtitiyak ng DepEd na nahahanap sila ng iba’t ibang istratehiya para matiyak ang kaligtasan ng mga guro at estudyante.
Kaugnay nito, nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na maaari pa ring i-enroll ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa nalalapit na pasukan lalo na at may ilan pang eskwelahan ang tumatanggap ng enrollees.
Magpapatuloy rin ang dry-runs hanggang Oktubre.
Sa ngayon, aabot na sa 23.3 million enrollees ang naitala ng DepEd para sa School Year 2020-2021.