Iginiit ng Tentay Food Sauces Inc. hindi sila gumagamit ng synthetic acetic acid.
Ito ay matapos mapabilang sa listahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang tatlong variant ng suka na may synthetic acetic acid.
Ayon kay Tentay President and CEO Velia Cruz – binawi na nila sa merkado ang mga tinukoy na produkto.
Aniya, bago pa lamang ang kanilang kumpanya sa paggawa ng suka kaya kinakailangan pa nilang bumili sa labas ng mother vinegar at ihahalo sa tubig na magiging sukang ibebenta sa pamilihan.
Pero pagtataka ni Cruz na bumagsak sila sa standard sa Pilipinas habang nakapasa sila sa ibang bansa.
Nakasaad sa Administrative Order ng DFA noong 1970, ang pagkakaroon ng synthetic acetic acid at cloudifying agent o yung nagpapaputi sa likido ay bawal at hindi pwedeng ibenta.
Giit ni Cruz – kung susundin ito ay walang ni-isang suka ang papasa sa pagsusuri ng FDA.
Aminado naman si FDA OIC, Undersecretary Eric Domingo – na kailangang rebyuhin ang standards.
Tiniyak ng Tentay na iimbestigahan nila ang kanilang supplier para malaman kung may synthetic acetic acid ang nabibili nilang accelerated vinegar.