Teresa Loyzaga, pinagtanggol ang anak na si Diego Loyzaga sa isyu ng litrato sa Boracay

Ipinagtanggol ni Teresa Loyzaga ang kanyang anak na si Diego Loyzaga dahil sa kumalat na litrato ng anak kasama ang dalawang kaibigan nito na Boracay.

Imagine if i never met the broskies

A post shared by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on


Sa pagkaka alam ng publiko ay isasara muna ang Boracay para sa six-month rehabilitation ng isla. Dahil sa litrato na pinost sa Intagram ng aktor na nasa Boracay ay maraming netizens ang nag-react at kumwestyon sa litrato na na-ipost ng aktor dahil sa orihinal na post ni Diego ay hindi ito na edit at nabanggit na ang litrato na naka post ay isang throwback photo. Ngunit in-edit naman ni Diego ang Instagram post at nilinaw na ito ay isang throwback photo at sinabing wala namang nilalabag ang binata.
Dahil sa isang post ni Diego sa Instagram, inakusahan ang aktor ng kanyang mga basher na ginagamit daw nito ang impluwensya upang makapunta ng Boracay kahit na nakasara na ito sa publiko.
Humingi ng paumanhin si Diego sa mga nagalit na netizens at nilinaw ng aktor na ito ay throwback photo lamang.
Isang netizen naman ang nagtanggol sa aktor sa gitna ng mga batikos na natatamo ni Diego. Sinabi ng isang netizen na pinalaki si Diego na maayos ng kanyang ina na si Teresa Loyzaga.
Ani ng kanyang ina na ang litrato na naka post ay “simple tribute to friends and friendship blown out of proportion.” at isang throwback photo. Nilinaw din ni Teresa na ang pagpunta ng Boracay ng anak ay mula March 29 hanggang April 1. Malinaw na ito ay halos tatlong linggo bago ang opisyal na pagpapasara ng Boracay.


Facebook Comments