Pinabulaanan ng Department of Finance (DOF) na ginawang garantiya ng pamahalaan ang teritoryo ang Pilipinas sa pangungutang nito ng pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Sa forum ng Department of Health (DOH), sinabi ni Finance Undersecretary Mark Dennis Joven na walang probisyon sa anumang kasunduan para sa pangungutang na pinasok ang gobyerno kung saan ginamit na kolateral ang alinmang teritoryo ng Pilipinas.
Sa datos ng DOF, nasa P70 bilyon ang ipangungutang ng gobyerno mula sa mga dayuhang creditor.
Ito ang bubuo ng malaking bahagi ng kailangang P82.5 bilyon na pondo para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
Sa naturang halaga, P10 bilyon ang kukunin sa Bayanihan 2 fund, habang ang P2.5 bilyon naman ay mula sa budget ng DOH.
Facebook Comments