TERITORYO | Pagpayag ng administrasyon sa Maritime Scientific Research ng China sa PH Rise, tinutulan

Manila, Philippines – Iginiit ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na ang Benham Rise o Philippine Rise ay nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ito ay sa kabila ng paghayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na walang “sovereignty” ang Pilipinas sa Philippine Rise.

Sa interview ng RMN, binigyang diin ni Pimentel na ang Scarborough, kalayaan at ang Philippine rise ay sakop ng EEZ ng Pilipinas batay na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.


Pinalagan din ng dating senador ang pag-apruba administrasyon ng pagsasagawa ng China ng maritime scientific research sa Philippine Rise na mariin ding kinontra ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

2012 nang pormal na ibigay ng United Nations sa bansa ang exclusive sovereign rights sa Philippine Rise na pinaniniwalaang mayaman sa minerals at langis.

Facebook Comments