Manila, Philippines – Muling nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Ayon kay PCG spokesman, Capt. Armand Balilo – nagkaroon sila ng aerial survey sa Kalayaan Island habang ikakasa nila ang surveillance patrols sa Panatag o Scarborough Shoal.
Ani Balilo – nagpadala sila ng islander planes sa West Philippine Sea bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte palakasin pa ang presensya ng Pilipinas sa nasabing teritoryo.
Patunay din aniya na gumaganda ang relasyon ng Pilipinas at China dahil walang naiuulat na pagkontra ang Chinese forces sa marine at aerial patrols ng Pilipinas sa lugar.
Matatandaang huling nakapagsagawa ng aerial surveillance ang PCG sa teritoryo ay noong pang nakaraang taon.
Facebook Comments