Pinalagan ni Senate President Tito Sotto III ang inihaing resolusyon sa Kamara para ibahin ang termino at komposisyon ng Senado.
Sa ilalim ng House Concurrent Resolution ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, isinusulong niyang gawing 27 ang bilang ng mga senador sa halip na 24.
Pero may representation ito ng tatlong senador sa bawat isa sa siyam na panukalang rehiyon.
Paiikliin din ang kanilang termino sa apat na taon mula sa kasalukuyang anim na taon pero papayagan silang maihalal ng tatlong sunod na termino.
Babala ni Sotto – habang mas pinag-iinitan ng mga kongresista ang mga senador ay mas lalo silang magmamatigas.
Hamon ni Sotto, ipagkumpara na lamang ang ratings ng Senado at Kamara saka itanong kung mayroong dapat baguhin sa kanila.
Para sa Malacañan, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – suportado nila ang anumang constitutional amendments na makabubuti sa mga Pilipino.
Ipinauubaya na lamang ng Palasyo sa taumbayan ang tungkol sa term limit ng mga senador at kongresita.