Term-sharing sa pagitan nila Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, tuloy pa rin

380

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang nagbago sa kasunduan sa pagitan nila ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco patungkol sa Speakership.

Ayon kay Cayetano, tuloy pa rin ang 15-21 term-sharing nila ni Velasco sa Speakership sa darating na Oktubre.

Kampante rin si Cayetano na hindi maaapektuhan ng nalalapit na pagpapalit ng liderato ng Kamara ang mga priority measures na isinusulong sa Mababang Kapulungan.


Paliwanag ng kongresista, walang magiging rigodon sa mga committee chairmanship kaya’t matututukan pa rin ang mga isinusulong na panukala.

Batay sa kanilang kasunduan, tanging si Cayetano at si Velasco gayundin ang Committee on Accounts Chairman ang mapapalitan.

Facebook Comments