Aminado ang Department of Transportation (DOTr) na tataas ang terminal fee sa oras na gumulong na ang pagpapaganda ng Laguidingan Airport, kasunod ng signing ng conscession agreement ng pamahalan at pribadong sektor para dito.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista na natural lamang na magkakaroon ng mga pagtaas sa terminal fees dahil mamumuhunan ng bilyong pisong halaga sa pagpapaganda ng mga paliparan.
Sa ganitong paraan aniya ay makababawi ang pribadong sektor sa inilagak na pamumuhunan.
Gayunpaman, hindi naman daw agad-agad na mararamdaman nang mga pasahero ang dagdag charges sa terminal fee dahil kailangan munang magkaroon ng improvement sa pasillidad at serbisyo ng paliparan, bago ito ipatupad.
Ayon kay Bautista, posibleng isang taon pa mararamdaman ng mga pasahero ang ipapataw na dagdag sa terminal fee sa Laguindingan airport.