Manila, Philippines – Nakapagkolekta ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng higit 13 milyong piso mula sa anim na airlines.
Ito ay kasunod ng pagsasauli ng Cebu Pacific at Sister Airline na Cebgo ng terminal fees na nakolekta mula sa hindi nagamit na tickets ng international passengers.
Nagkakahalaga ito ng 245.6 million pesos mula Pebrero 2015 hanggang Abril 2018 (international flights) at mula Agosto 2012 hanggang April 2018 (domestic flights).
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ang Singapore Airlines ay nagsauli ng higit apat na milyong piso na nalikom nila mula Pebrero 2015 hanggang Marso 2016.
Bukod sa Singapore Airlines, nagbalik din ng mga hindi nagamit na terminal fees ang sumusunod:
Kuwait Airways – 1.9 million pesos (February 2015 – December 2016)
KLM Royal Dutch Airlines – 1.08 million pesos (February 2016 – June 2017)
Ethiopian Airlines – 92,400 pesos (June 2015 – April 2016)
Qatar Airways – 1.3 million pesos (February 2015 – December 2015)
Cathay Pacific – 5.02 million pesos
Mula nitong July 13, 2018, ang MIAA ay mayroon ng kabuoang halos 260 million pesos na koleksyon mula walong airlines.