Terminal ng bus sa Pasay, matumal na sa pasahero

Hindi na siksikan ang sitwasyon ngayon sa iba’t ibang bus terminal sa Pasay City.

Hindi tulad noong mga nakalipas na araw na mabilis na napupuno ang mga bus patungong Visayas at Mindanao.

Ngayong bisperas ng Pasko, matumal ang dating ng mga pasahero at halos isang oras ang hihintayin bago lumarga ang bus.


Karamihan kasi sa ating mga kababayan ay nakauwi na sa kani-kanilang mga lalawigan noong Biyernes hanggang kahapon.

Samantala, maluwag din ang daloy ng mga sasakyan sa north at southbound lane ng EDSA.


Facebook Comments