Terminal ng JAC Liner sa EDSA Kamias, Quezon City, mahaba na ang pila ng mga pasaherong pauwi ng probinsya

Mahaba na ang pila ng mga pasahero sa JAC Liner Terminal sa EDSA – Kamias area.

May pila para sa mga bus patungo ng Central Luzon at may mga pila rin na patungo ng Southern Tagalog.

Ilan sa mga pasahero ay maagang dumating sa bus terminal.


Hinahabol ng mga ito na maagang makabalik sa probinsya dahil may pasok na sa trabaho bukas.

May ilang bus na nakaparada na rin sa terminal na kabilang sa bibiyahe pabalik ng probinsya.

Habang sa ibang bus terminal na patungong Batangas at ilan pang lugar sa Southern Tagalog ay kakaunti pa ang mga bus na masasakyan.

Facebook Comments