Papaimbestigahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pag-terminate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kontrata ng kinuhang supplier para sa pagpapagawa ng Philippine Identification System (PhilSys) o ang National ID project.
Ayon kay Pimentel, pinapa-draft niya na ang resolusyong ihahain para masiyasat ang pagpapatigil ng BSP sa kontrata ng kinuhang supplier para sa National IDs.
Giit ni Pimentel, mukhang magkakaroon nanaman ng panibagong delay o pagkabinbin sa paggawa at paghahatid ng mga National IDs ng maraming Pilipino.
Dahil dito, dapat aniyang masilip at mabusisi ito ng Senado.
Pina-terminate ng Monetary Board ng BSP ang contract sa supplier na All Card Inc. (ACI) dahil sa kabiguan nitong makatupad sa kontrata at ang desisyong ito ay suportado ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang ACI ang parehong supplier din na sangkot sa delay ng driver’s license card noong nakaraang taon.