Termination ng VFA, maaaring idulog ng mga Senador sa SC – DOJ

Kumpiyansa si Justice Sec. Menardo Guevarra na tulad ng termination ng RP-US military bases agreement ay makaka-survive din ang Pilipinas sa termination ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Guevarra, maaari namang idulog ng mga senador ang VFA termination sa Supreme Court (SC) bagama’t may mga kondisyon.

Una, hindi raw nakasaad sa Saligang Batas na kailangan ng concurrence ng Senado pagdating sa termination ng mga treaties.


Kahit maikokonsidera din daw ang treaty na bahagi ng batas ay hindi naman ito kasali sa ordinary statutes na dumaan sa buong legislative process.

Nilinaw rin ni Guevarra na ang pagbawi sa VFA ay hindi katulad ng pag-repeal sa mga ordinaryong statute.

Magugunitang taong 1991 nang pagbotohan ng 12 senador ang “no” para hindi na bigyan ng 10 taon na extension ang Subic Naval Base sa bansa maging ang kanilang US military installations sa Clark Air Base sa Pampanga at ang Camp John Hay sa Baguio City.

Facebook Comments