Manila, Philippines – Iginiit ng isang kongresista na hindi pa masasabing pinal ang pagbasura ng Department of Transportation (DOTr) sa maintenance contract ng Busan Universal Rail Inc. o BURI.
Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento, dadaan pa ang termination ng kontrata sa arbitration.
Asahan na aniya ito dahil tiyak na ilalaban ng BURI ang kanilang kontrata sa pamamagitan ng ligal na paraan.
Ang arbitration, ani Sarmiento, ay mekanismong nakasaaad sa kontrata ng gobyerno at buri para sa pagsasaayos ng gusot ng dalawang panig.
Pero sa ngayon, giit ng kongresista, kailangang tiyakin ng pamahalaan ang maayos na operasyon ng MRT 3.
Facebook Comments