Isinulong ni Agusan del Norte Second District Representative Dale Corvera na gawing hanggang limang taon ang panunungkulan ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials na lilimitahan sa dalawang termino lamang.
Nakapaloob ito sa House Bill 9557 na inihain ni Corvera na layuning matupad ng mga Barangay at SK officials ang kanilang mandato nang hindi iniisip ang palagiang pagdaraos ng halalan.
Kapag naisabatas ang panukala ni Corvera ay makakabawas din ito sa gastos sa eleksyon.
Tinukoy din ni Corvera na base sa Section 8, Article X ng 1987 Constitution, ang term of office ng elected officials ay itinakda sa tatlong taon maliban sa mga opisyal ng barangay na tutukuyin ng batas pero hindi maaaring lumampas sa tatlong magkakasunod na termino.