Termino ni Pangulong Duterte, pwedeng mapalawig hanggang 2025 sakaling ipatupad ang Pederalismo

Manila, Philippines – Naniniwala ang Centrist Democracy Political Institute na posibleng mapalawig ng hanggang 2025 ang termino ni Panulong Rodrigo Duterte kung mapapalitan ang sistema ng gobyerno ng bansa patungo sa Federal.

Sa briefing sa Malacanang ni Lito Lorenzana ang Pangulo ng CDPI, base sa kanilang panukala ay maaaring humaba pa ang termino ni Pangulong Duterte dahil kailangang magkaroon ng tatlong taong transitory period sa pagpapatupad ng Pederalismo.

Pero maaari din naman aniyang bumaba ang Pangulo sa 2022 at maghahalal naman ang taumbayan ng isang magiging transitory President hanggang 2025.


Matatandaan naman na matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte na sa oras na maipatupad ang Pederalismo sa bansa ay agad siyang bababa siya sa posisyon.

Facebook Comments