TERMINO | Pangulong Duterte, walang balak palawigin ang termino

Manila, Philippines – Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na pahabain pa ang pag-upo nito sa puwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas nais ng Pangulo na paikliin ang kanyang termino sa halip na pahabain ito.

Pero maaari aniyang palawigin ng Pangulo ang kaniyang termino kung talagang kinakailangan at magiging bahagi ito ng bagong Saligang Batas.


Una nang iminungkahi ni Senate President Koko Pimentel na posibleng palawigin ang termino ni Duterte kapag naisulong ang Federalism ngayong taon.

Nilinaw naman ng senador na nakadepende pa rin ito sa transitory provisions.

Facebook Comments