TERMINO PINALAWIG | AFP Chief General Guerrero, tuloy ang pag-iikot sa mga kampo ng militar

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang pag-iikot sa mga kampo ng militar ngayong napalawig na ang kanyang termino hanggang sa buwan ng Abril sa suunod na taon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col Edgard Arevalo, ang pag-iikot na ito ay bahagi ng trabaho ng isang AFP CHief of Staff.

Sa pag-iikot personal na inaalam ni Guerrero ang sitwasyon ng mga sundalo lalo na sa mga lugar na maraming banta ng terorista upang maibigay ang kanilang mga pangangailangan.


Bukod dito personal rin na binati at kinikilala ni Guerrero ang mga sundalong lumalaban ngayon sa mga terorista .

Una nang sinabi ni Arevalo na sa pagpapalawig ng termino ni General Guerrero ay tututok sya na sa mga program at planong may kinalaman sa paglaban sa banta ng terorista.

Si General Guerrero ay nakatakda sanang magretiro sa December 17, 2017 sa mandatory retirement age na 56 years old.

Facebook Comments