Terorismo, walang lugar sa isang sibilisadong mundo – Nograles

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na tinutugis na ang mga nasa likod ng dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Nograles, walang lugar sa isang sibilisadong mundo ang terorismo.

Tulad ng iba pang government official, mariing kinokondena ni Nograles ang pangyayari at nagpaabot din siya ng simpatya sa pamilya ng mga biktima.


Siniguro din ni Nograles na mananatili ang ‘zero tolerance’ ng gobyerno para sa anumang terrorism-related violence.

Nakikiisa si Nograles sa buong sambayanang naglukuksa sa mga sundalong ibinuwis ang buhay habang nagsisilbi sa bayan.

Ipinapanalangin din ni Nograles ang mabilis na paggaling ng mga nasuga.

Facebook Comments