TERORISTA | Agricultural aircraft pinagbabaril ng NPA sa Surigao Del Sur; Piloto, patay

Surigao del Sur – Patay ang isang piloto matapos na pagbabarilin ng
teroristang New People’s Amry (NPA) ang kanyang minamandong spray plane sa
Grotto Malixi, Tagbina, Surigao del Sur.

Kinilala ang nasawing piloto na si Lembert Lagoda 64 anyos .

Sa ulat, habang nagsasagawa ng plane spray ang piloto sa Sumifru Banana
Plantation ay pinagbabaril ito ng mga NPA.


Nagawa pang mailapag ng piloto ang eroplano bago ito naisugod sa ospital
pero idineklang dead on arrival.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Tagbina municipal police
station upang makapagsampa ng kaso laban sa mga NPA na miyembro ng GF14
North East Mindanao Regional Committee.
<#m_-2705400921765030827_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments