Davao del Norte – Kinondena ngayon ng mga otoridad ang ginawang panununog ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang construction site sa Davao del Norte.
Sa ulat, sinunog ng NPA ang isang unit ng backhoe ng Ulticon Builders Incorporated habang nagsasagawa ng operasyon sa Sitio Banualay, Barangay Palma Gil.
Pitong armadong lalaki ang siyang responsable sa insidente kung saan sinabihan ang mga trabahador na huwag matakot at hihingi lang daw sila ng kaunting suporta.
Patuloy naman inaalam ang motibo ng mga rebelde habang pinaghahanap na din sila ng pulisya.
Facebook Comments