Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang hinihinalang Indonesian Terrorist sa kanilang operasyon sa Sultan Kudarat. Kinilala ang banyagang terorista na si Mushalah somina Rasim alyas Abu Omar, 32 anyos residente ng Pangeran Antasarim, Republic of Indonesia. Sa source mula sa PNP naaresto ang terorista nitong ika-10 ng Marso sa Palimbang Sultan Kudarat. Kabilang aniya ito sa mga nagrerecruit na mga natitira at supporters ng Ansar Khilafah Philippines (AKP) na pinamumunuan ni Abu Maher sa Brgy ng Akol at Datu Maguiles sa Palimbang Sultan Kudarat at sa Brgy Kiayap sa Maitum Saranggani Province. Narekober mula sa suspek ang isang ATM card, limang piraso ng 50,000 rupians bills, isang piraso ng 100,000 rupian bills, dalawang piraso ng 3000 rupians bills na sa kabuuan ay aabot sa 254,000 rupian o 1,334,90 pesos at dalawang piraso ng 100 piso bill. Sa ngayon nasa kustodiya na nang Bureau of Immigration ang suspek habang nagpapatuloy naman ang mahigpit na monitoring na ginagawa ng PNP sa mga illegal activities ng mga natitirang miyembro at supporters ng Ansar khilafa Philippines.
TERORISTA | Hinihinalang teroristang Indonesian na nagre-recruit sa Sultan Kudarat, naaresto
Facebook Comments