Manila, Philippines – Naglabas ngayon ng pahayag ang tagapagsalita ng Melito Glor Command ng New People’s Army sa harap na rin ng nalalapit na pagdiriwang ng Peoples Power Revolution matapos na maghain ng dokumento ang DOJ sa Manila Regional Trial Court , na kailangan sa usapin upang tuluyang madeklarang terorista ang CPP-NPA.
Ayon kay Ka Diego Padilla tagapagsalita ng Milito Glor Command ng New People’s Army Southern Tagalog na hindi na bago para sa kanilang grupo ang hakbang ng DuterteAdministration para tuluyan silang madeklara na terorista lalut nakabatay aniya sa Homeland Security Act ng Estados Unidos ang depinasyon ng terorista sa bansa.
Paliwanag ni Ka Diego dapat umanong hayaan pa rin ang mamamayan na siyang humatol kung totoo nga ba silang terorista.
Dagdag pa ni Padilla na kailangan ay hindi sila gumawa ng hakbang upang atakihin ang mga sibilyan o gumawa ng hakbang upang pahirapan ang buhay ng taongbayan.
Giit ng tagapagsalita ng Melito Glor Command ng NPA na nanatili pa rin silang bukas sa pagbabalik sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at ng GRP Panel na matagal ng inaasam ng sambayanan kung saan nasa kamay aniya ni Pangulong Duterte o sa political will ng pangulo para maituloy ng muli ang peace talks.