Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Justice ang pagkakaharang ng Bureau of Immigration sa NAIA sa isang terorista.
Si Abdulpatta Escalon Abubakar , Filipino National ay naharang ng immigration agents nang dumating ito sa bansa mula Jeddah, Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines flight PR633.
Nabatid na si Abubakar ay nasa listahan ng persons of interest ng PNP- Intelligence Group at ng US Embassy.
Matapos ang secondary investigation at documentation, si Abubakar ay agad na inilipat sa kustodiya ni PSUPT. Romeo Daqis ng CTGID para sa kaukulang imbestigasyon at disposition.
Facebook Comments