Nagbabala ang isang security analyst sa posibleng seryosong banta ng teroristang grupong “Hamas” sa Pilipinas.
Ayon kay Prof. Rommel Banlaoi, director ng Center for Intelligence and National Security Studies, mataas talaga ang posibilidad na magsagawa ng pag-atake sa Pilipinas ang Hamas dahil na rin sa ‘significant presence’ ng mga Israeli sa bansa.
Bukod sa marami ang negosyanteng Israeli sa bansa, naging mas maganda rin ang diplomatic at commercial relation ng Pilipinas at Israel sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na 1980’s pa nang simulang mag-operate ang Hamas sa Pilipinas sa pamamagitan ng Palestinian Liberation Organization (PLO).
Ang Hamas ay katumbas ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang intensyon ay magkaroon ng Independent Palestinian State (IPS) at ng kalayaan laban sa Israeli Forces.
Una rito, ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) ang tangkang pag-atake ng Hamas sa mga Israeli at Hudyo sa Pilipinas.