Teroristang si Isnilon Hapilon at magkapatid na Maute, hindi pa nakakalabas ng Marawi City, ayon sa AFP

Manila, Philippines – Hindi pa nakakalabas ng Marawi City si Isnilon Hapilon at ang magkakapatid na Maute.

Ito ang inihayag ngayon ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla batay na rin sa ulat ng ground commander sa Marawi.

Sa ngayon, sinabi ni Padilla na patuloy ang kanilang operasyon.


Sa pinakabagong datos ng AFP, nananatili sa 26 ang bilang ng mga sibilyan na nasawi sa Marawi City habang nasa 1,658 naman ang nailigtas.

Nasa 268 naman na miyembro ng Maute ang napatay na habang nasa 67 sundalo na ang nasawi.

Samantala, sa interview ng RMN kay Philippine Red Cross National Chairman Richard Gordon – patuloy ang pagdating ng ayuda sa mga residenteng apektado ng bakbakan.

Bukod sa mga relief goods, nagbibigay din ng stress debriefing ang prc sa mga na-trumang mga bata.

Sa ngayon ay nasa siyam na evacuation centers na may mahigit 8,900 indibiduwal ang hawak at tinutulugan ng PRC.

Facebook Comments