Terrafirma Dyip, durog sa TNT Tropang Giga sa PBA Commissioner’s Cup

Dinurog ng TNT Tropang Giga ang Terrafirma Dyip sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nahirapan ang Dyip lalo na’t wala si Juami Tiongson at ang import na si Thomas de Thaey.

Nagtapos ang laban sa score na 133-93 sa pangunguna ni Tnt import rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 37 points, 6 rebounds at 6 assists.


Ilang TNT players din ang pumuntos ng double digits gaya nina Jayson Castro, Calvin Oftan at Henry Galinato.

Nasayang naman ang 16 points ni Javi Gomez de Liano para sa Terrafirma.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Dyip habang ikalawang sunod naman ng Tropang Giga.

Ang 133 points naman na nakuha ng TNT ang pinakamataas na nakuha ng isang PBA team ngayong conference.

Facebook Comments