Terrence Romeo, aminadong marami pang dapat gawin matapos makatikim ng panalo sa Beermen

Aminado ngayon si Terrence Romeo na marami pa siyang dapat gawin bilang point guard matapos makatikim ng unang panalo bilang bahagi ng San Miguel Beermen.

Kumamada si Romeo ng 17-points sa loob ng 24-minutong paglalaro nito kung saan tinalo nila ang Blackwater sa score na 93-79.

Matatandaan na nagkaroon ng injury si Terrence sa naging dalawang sunod na panalo ng Beermen at tatlong sunod na talo naman noong naglaro ito.


Ayon kay Terrence, mahaba pa ang elimination round kaya at kakayanin daw niyang mag-adjust sa sistema ng San Miguel na pang-apat na sa team standings na may 3-3- win/loss record.

Facebook Comments