Terrence Romeo, may plano na raw magretiro sa PBA

Posibleng maagang magretiro si San Miguel Beermen Guard Terrence Romeo sa PBA.

Ayon kay Romeo, ito ay sakaling masungkit ng Beermen ang title sa ikalimang sunod na pagkakataon.

Aniya, ang kampeonato na lamang ang kulang sa kanya.


Simula kasi aniya kolehiyo ay hindi pa siya nakaranas ng kampeonato kaya’t ito ang kanyang ultimate dream.

Sabi naman ni SMB Head Coach Leo Austria, batid niya ang planong pagreretiro ni Romeo noon pang naging miyembro ito ng Beermen.

Makahaharap ng SMB ang Magnolia Hotshots sa Finals ng PBA Philippine Cup kung saan magsisimula ang game 1 ng best-of-seven series mamayang alas-7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments