TERROR ATTACK | 4 na armadong lalaki, umatake sa isang hotel sa Afghanistan

Kabul, Afghanistan – Pinasok at inatake ng apat na armadong lalaki ang Intercontinental Hotel sa Kabul, Afghanistan.

Agad nagsitakbuhan palabas ang mga nasa loob ng hotel habang patuloy na nagpapalitan ng putok ang mga suspek sa mga awtoridad.

Ayon kay Afghan Interior Ministry Spokesman Najib Danish, bago ito, binaalan sila ng U.S. Embassy sa posibleng pag-atake sa mga hotels ng kabisera.


Sa ngayon, wala pang umaako sa mga serye ng pag-atake sa Kabul.

Facebook Comments